Nananatili ang 282 pamilya o 1,280 katao sa isang auditorium matapos bahain ang Barangay Yakal, Narra, Ipil-ipil, Bangkerohan, Dalakit, Talisay, Baybay, Molave, Macagtas, Abad Santos, Casoy at Mabolo.
Siyam sa 55 barangay lamang ang hindi naapektuhan ng pagbabaha sa lalawigan.
Napaulat naman ang landslides sa Barangay Macagtas, Sitio Tabor ng University of Eastern Philippines 3, Sitio Tabor ng UEP 1 at Purok 7 ng Barangay Doña Polqueria.
Ayon kay Lope de Vega police chief Sr. Insp. Ronnie Abendan, naipit siya kasama ang iba pang pulis sa loob ng istasyon sa Barangay Poblacion.
Sinabi pa ni Abenda na nakatanggap sila ng impormasyon ng mga nawawalang tao ngunit pa tiyak sa mga oras na ito.