Halos 1,200 katao inilikas sa Northern Samar

By Angellic Jordan December 29, 2018 - 08:41 PM

Halos 200 pamilya o 1,200 indibidwal ang inilikas mula sa 12 barangay sa Catarman, Northern Samar dulot ng ulang dala ng Tropical Depression “Usman.”

Nananatili ang 282 pamilya o 1,280 katao sa isang auditorium matapos bahain ang Barangay Yakal, Narra, Ipil-ipil, Bangkerohan, Dalakit, Talisay, Baybay, Molave, Macagtas, Abad Santos, Casoy at Mabolo.

Siyam sa 55 barangay lamang ang hindi naapektuhan ng pagbabaha sa lalawigan.

Napaulat naman ang landslides sa Barangay Macagtas, Sitio Tabor ng University of Eastern Philippines 3, Sitio Tabor ng UEP 1 at Purok 7 ng Barangay Doña Polqueria.

Ayon kay Lope de Vega police chief Sr. Insp. Ronnie Abendan, naipit siya kasama ang iba pang pulis sa loob ng istasyon sa Barangay Poblacion.

Sinabi pa ni Abenda na nakatanggap sila ng impormasyon ng mga nawawalang tao ngunit pa tiyak sa mga oras na ito.

TAGS: baha, landslide, northern samar, usman, baha, landslide, northern samar, usman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.