Duterte, binalaan ang isang alkalde na nang-haharass umano sa asawa ni Batocabe

Malacañang photo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binalaan nito ang isang alkalde sa Albay na nang-haharass umano sa biyuda ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Tatakbo sanang alkalde si Batocabe sa Daraga, Albay para sa 2019 midterm elections nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang gunman noong nakaraang linggo.

Sa kanyang talumpati sa Kidapawan, Cotabato sinabi ni Duterte na huwag takutin ng isang hindi pinangalanang mayor si Gertie Duran Batocabe.

Kung gusto nito ng barilan, handa aniya siyang makipagbarilan dito.

Dahil dito, pinatakbo ni Duterte si Gertie sa pagka-alkalde sa naturang lalawigan.

Matatandaang sinabi ni Duterte na malinaw na pulitika ang motibo ng pamamaslang kay Batocabte.

Read more...