Palasyo, hinikayat ang mga kabataang Pinoy na gawing inspirasyon ang buhay ni Rizal
Hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang mga kabataang Pilipino na maging inspirasyon ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal.
Inilabas ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang pahayag isang araw bago ang paggunita ng ika-122 death anniversary ni Rizal, December 30.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Panelo na sundan ng mga kabataan ang naging prinsipyo ni Rizal para maging pambansang bayani ng Pilipinas.
Inilarawan ni Panelo ang buhay at kamatayan ni Rizal bilang “walking testament” para sa isang taong nagmamahal sa bansang sinilangan.
Nananatili pa rin aniyang angkop sa ebolusyon ng ating bansa ang impluwensiya ni Rizal mula nang patayin siya sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta Park na.
Hinikayat din ng kalihim ang mga Pilipino na maging makabagong bayani para ipaglaban ang kapayapaan ng bansa.
Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang flag-raising at wreath-laying ceremony para kay Rizal sa Rizal Park sa Davao City, araw ng Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.