Netflix, nakapagtala ng 45M accounts na nanood ng ‘Bird Box’ sa isang linggo
Mahigit-kumulang 45 milyong Netflix accounts ang nanood ng pelikulang “Bird Box” sa loob ng isang linggo.
Gamit ang kanilang Twitter account, inanunsiyo ng Netflix na mayroong kabuuang 45,037,125 na accounts ang nanood ng naturang horror-thriller movie.
Ayon sa American media-services provider, ito ang Netflix film na nag- iisang nakapagtala ng naturang dami ng viewership.
Pinangunahan ang pelikula ng batikang Hollywood actress na si Sandra Bullock.
Naging maingay sa social media ang naturang pelikula dahil sa misteryo ng kwento nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.