Ilang kalsada sa Roxas Boulevard, isasara sa Rizal Day (Dec. 30)

By Angellic Jordan December 29, 2018 - 07:02 PM

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Roxas Boulevard sa Maynila, araw ng Linggo (December 30).

Ito ay para sa paggunita ng ika-122 death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Ayon sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), isasara ang northbound at southbound lane mula sa Katigbak Drive hanggang TM Kalaw simula 7:00 ng umaga.

Gayunman, sinabi ng MDTEU na bubuksan ang Katigbak Drive, Independence Road at South Drive kung kakailanganin.

Inabisuhan ang mga motorista ng MDTEU na pansamantala dumaan sa mga alternatibong ruta.

Sa mga motoristang patungong norte, kumanan sa TM Kalaw at kaliwa sa Ma. Orosa.

Para sa mga motoristang manggagaling sa Delpan Bridge-Pier Zone, kumaliwa sa P. Burgos at saka kumanan sa Ma. Orosa.

Lahat naman ng trak at malalaking sasakyan na manggagaling sa Delpan Bridge-Pier Zone ay kinakailangang kumaliwa patungong P. Burgos, deretso sa Finance Road-Ayala Boulevard at saka kumanan sa San Marcelino.

TAGS: MDTEU, Rizal Day, roxas boulevard, MDTEU, Rizal Day, roxas boulevard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.