2 kalsada patungong Benguet, Baguio binuksan ng DPWH
Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Aringay-Tubao Alternate Road at Anduyan Bridge sa La Union.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na ang mga proyekto ay makatutulong sa mas madali at mabilis na biyahe ng mga motoristang papunta sa Benguet at Baguio City.
Ang Aringay-Tubao Alternate Road ay may habang 14.24 kilometers.
Ayon sa kalihim, mula sa dalawang oras at 35 minutong biyahe sa Tuba, La Union hanggang Benguet, magiging dalawang oras na lang ito habang isang oras naman papuntang Baguio City.
Samantala, ang Anduyan bridge naman ay nagsisilbing Christmas gift ng DPWH sa mga residente ng Barangay Rizal at Alog East sa Tubao, La Union.
Aniya, hindi na kakailanganin ng mga residente na mag-balsa para makatawid sa Aringay River.
May haba itong 360 linear meters.
Dahil din aniya sa bagong tuloy maiibsan ang bigat ng trapiko sa Marcos Highway, maging ang madalasan magkaroon ng landslide na
Kennon Road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.