Andanar, suportado ang rekomendasyon ng DILG na ilabas ang narcolist bago ang 2019 elections

By Angellic Jordan December 29, 2018 - 06:10 PM

Suportado ni Presidental Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang listahan ng mga pulitikong sangkot umano sa illegal drug trade bago ang 2019 midterm elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Andanar na sang-ayon siya sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año para maalalayan ang publiko sa mga dapat iboto sa halalan.

Aniya, karapat-dapat na magkaroon ang bansa ng mga lider na malinis at hindi sangkot sa droga o anumang kriminalidad.

Gayunman, iginiit ng kalihim na dapat ilabas ang listahan ng mga pulitikong napatunayan nang sangkot sa illegal drug trade.

TAGS: 2019 elections, DILG, narcolist, pcoo, Sec Martin Andanar, Sec. Eduardo Año, 2019 elections, DILG, narcolist, pcoo, Sec Martin Andanar, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.