Magbabalik si naturalized center Andray Blatche sa koponan ng Gilas Pilipinas para sa Fiba World Cup Asian Qualifiers.
Kunimpirma mismo ito ni Blatche matapos personal na ianunsiyo ang pagbabalik sa Gilas Pilipinas para sa huling dalawang laban nito kontra Qatar at Kazakhstan.
Ayon sa manlalaro, hindi na siya makapaghintay na manalo sa dalawang susunod na basketball match para sa mga “best fans” sa buong mundo.
Sa ngayon, nasa ikaapat na pwesto sa Group F ang Pilipinas na may 5-5 record.
Muling makikita si Blatche kasama ang Philippine basketball team sa buwan ng Pebrero 2019.
MOST READ
LATEST STORIES