3 patay, 3 nawawala sa landslide sa Northern Samar
Isang lalaki at dalawang bata ang namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Lope de Vega, Northern Samar.
Kinilala ang mga biktima na sina Eddie Panao, 36-anyos, at dalawang anak nito na sina Edmond, 15-anyos, at Mea, 14-anyos, lahat residente ng Barangay Henanoragan.
Ayon kay 43rd Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Apollo Herrera, narekober ang mga katawan ng mga biktima ng mga residente, Sabado ng umaga.
Samantala, tatlo katao naman ang napaulat na nawawala sa bayan ng Victoria, Northern Samar.
Nagdulot ng mga insidente pagbaha at landslide sa Northern Samar bunsod ng ulang dala ng Tropical Depression “Usman.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.