Ariana Grande kinansela ang ilang show sa Las Vegas, USA

By Angellic Jordan December 29, 2018 - 03:13 PM

AP Photo

Kinansela ni American pop sensation Ariana Grande ang kaniyang mga naka- line up na show sa Las Vegas, USA ilang araw bago ang Bisperas ng Bagong Taon.

Nakatakda sanang mag-perform si Ariana sa The Chelsea at The Cosmopolitan sa Las Vegas sa araw ng Sabado, oras sa Amerika.

Ito ay bunsod umano ng “unforeseeable health reasons” o hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit.

Inanunsiyo ng hotel ang kanselasyon ng mga show ng pop star, araw ng Biyernes, oras sa Amerika.

Dahil dito, sinabi naman ng hotel na maaaring i-refund ng mga guest ang kanilang tickets.

Patok ang American singer dahil sa kanyang latest song na “Thank U, Next” na anim na linggong No. 1 sa Billboard Hot 100 Chart.

TAGS: Ariana Grande, Ariana Grande

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.