Malakanyang, ipinag-utos sa mga LGU sa Mindanao ang pagtutok sa mga lalawigan
Ipinag-utos ng Palasyo ng Malakanyang sa local government units sa Mindanao ang patuloy na pag-monitor sa mga lalawigan.
Ito ay matapos yumanig ang magnitude 7.2 na lindol sa General Generoso, Davao Oriental, Sabado ng umaga.
Sa inilabas na pahayag, hinikayat ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang mga LGU sa Mindanao ang pagtutok sa mga apektadong lugar.
Pinag-iingat din nito ang mga residente partikular sa mga coastal area dahil sa posibleng pagtama ng aftershocks at tsunami.
Dagdag pa nito, inabisuhan ang lahat na maging alerto at makipagtulungan sa pagdarasal sa kaligtasan ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.