PCG, posibleng alisin ang sea travel ban

Naghahanda ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-alis ng suspensyon sa paglalayag sa mga lugar na apektado ng sama ng panahon.

Ayon kay PCG spokesperson Lt. Junior Grade Maricel Boriol, patuloy ang pag-evaluate ng PCG sa sitwasyon ng mga karagatan at anumang oras ay maaari nang bumiyahe ang mga barko.

Pag-uusapan naman aniya ng PCG ang sitwasyon para sa mga maliliit na sea craft.

Samantala, sa kabila ng paghina ng sama ng panahon, stranded pa rin ng mahigit 22,000 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Pinakamarami aniyang naitala sa bahagi ng Bicol region na mayroong mahigit-kumulang 8,000 pasahero.

Sumunod dito ang 5,000 stranded na pasahero sa Eastern Visayas.

Dagdag pa ng PCG, nagbalik na ang operasyon ng paglalayag sa Iloilo, Bacolod at northern Mindanao.

Gayunman, patuloy pa rin ang pagtutok ng PCG sa sitwasyon ng karagatan bunsod ng nakataas na gale warnings.

Read more...