Iba pang APEC delegates, dadating ngayon, Stop and Go scheme, mapapadalas

By Dona Dominguez-Cargullo November 17, 2015 - 06:04 AM

Stop and Go adv.png-largeAsahan na ang mas madalas na pagpapatupad ng Stop and Go scheme sa mga pangunahing lansangan na patungo at nasa paligid ng ng Airport.

Ito ay dahil sa mas maraming delegado ng APEC ang inaasahang darating ngayong araw.

Alas 5:40 pa lamang ng umaga ay may darating ng delegado na susundan ng arrival na alas 7:20 ng umaga, alas 11:10, alas 11:35 at alas 12:45.
Kabilang sa mga parating ngayon ang mga heads of state ng Peru, Thailand, Australia, US at Mexico.

Maliban sa pagpapahinto sa daloy ng traffic para sa arrival ng mga delegado ay ihihinto muli ang daloy ng traffic tuwing sila ay bibiyahe para sa mga dadaluhang aktibidad.

Kabilang sa mga lansangan na magpapatupad ng Stop and Go scheme ang bahagi ng EDSA, mga lansangan patungo sa Roxas Boulevard, Skyway at South Luzon Expressway.

Ayon sa abiso ng MMDA, tuwing daan ang mga delegado ay ihihinto ang daloy ng traffic ng aabot sa 30 hanggang 40 minuto.

Kahapon, libo-libong mga pasahero ang napilitang maglakad dahil walang masakyan sa patungo sa Cavite.

Bago ang pagpapairal ng Stop and Go scheme simula kahapon, ilang linggo nang paulit-ulit ang abiso ng MMDA at ng PNP-HPG hinggil sa magiging epekto sa daloy ng traffic ng gagawing pagpapahinto ng traffic tuwing may dadaang delegado.

TAGS: Stop and Go Scheme, Stop and Go Scheme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.