Pangulong Duterte dumalaw sa burol ni Surigao del Sur Gov. Vicente Pimentel Jr.
Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng yumaong si Surigao del Sur Gov. Vicente Pimentel Jr. Biyernes ng gabi.
Ibinahagi ng kapatid ng gobernador na si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng pagbisita ni Duterte.
Magugunitang pumanaw si Pimentel Jr. umaga noong araw ng Pasko sa edad na 71.
Dahil sa kanyang pagpanaw, hahalili sa kanyang pwesto si Vice Governor Manuel Alameda Sr.
Naghain ng reelection si Pimentel Jr. ngunit binawi ang kanyang kandidatura dahil sa health reasons at ipinalit ang kanyang nakababatang kapatid na si Tandag City Mayor Alexander Pimentel.
Samantala sa isang hiwalay na Facebook post, sinabi ni Rep. Pimentel na ibuburol ang mga labi ng kanyang kapatid sa Manila Memorial Park sa Parañaque hanggang sa Biyernes.
Ibabalik naman ang mga labi sa kanilang tahanan sa Surigao del Sur sa Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.