148 pamilya lumikas sa Sorsogon dahil sa Bagyong Usman

By Rhommel Balasbas December 29, 2018 - 02:46 AM

Dahil sa patuloy na pagbabadya ng Bagyong Usman sa Eastern Samar, 148 pamilya ang lumikas sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa gabi ng Biyernes.

Ayon kay Sorsogon Disaster Risk Reduction and Management Office Chied Raden Dimaano, ang mga pamilyang lumikas ay mula sa 12 baranggay sa mga bayan ng Barcelona, Casiguran at Irosin sa Sorsogon City.

Umabot na sa 174 ektarya ng lupaing pang-agrikultura ang lumubog sa baha sa lungsod ayon sa PDRRMO.

Alas-2:00 pa lamang ng hapon ng Biyernes ay umabot na rin sa hanggang bewang ang tubig-baha sa Barangay Pamurayan.

Samantala, umabot na rin sa 6,154 na mga pasahero ang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Sorsogon kung saan karamihan ay mula sa Matnog Port.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.