Ayon sa 2am Severe Weather Bulletin ng PAGASA, inaasahang tatama sa Eastern Samar ang bagyo ngayong umaga.
Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.
Mabagal itong kumikilos ito pa-Kanluran.
Nakataas pa rin ang Storm Warning Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Northern Palawan incl. Calamian and Cuyo Groups of Islands
• Southern Quezon
• Marinduque
• Romblon
• Catanduanes
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Albay
• Sorsogon
• Masbate including Ticao and Burias Islands
• southern Occidental Mindoro
• southern Oriental Mindoro
• Eastern Samar
• Northern Samar
• Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Northern Cebu incl. Camotes Islands
• Aklan
• Capiz
• Iloilo
• Guimaras
• Antique
• Northern Negros Occidental
• Dinagat Islands
Sa ngayon patuloy na mararanasan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora habang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan naman ang iiral sa Visayas.
Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Inaasahang lalabas ang Bagyong Usman ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.