2 suspek sa ilegal na droga arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Dumaguete

Arestado ang dalawang drug suspect sa magkahiwalay na operasyon sa Dumaguete, Biyernes ng umaga.

Unang naaresto si Judith Banatanto na itinuturing na isang high-value target.

Nakuha sa kanyang bahay ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit 300 gramo na tinatayang
nagkakahalaga ng P2.1 milyon at mga drug paraphernalia.

Samantala, arestado rin ang isang 35 anyos na lalaki sa isinagawang operasyon sa Barangay Tabuctubig.

Nakuha sa bahay ng suspek ang 39 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000 at isang 9mm caliber pistol.

Read more...