Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Quezon
Pinaghahanda na ng PAGASA ang mga residente sa lalawigan ng Quezon lalo na ang mga nasa mababang lugar.
Dahil kasi sa patuloy na pag-ulan sa lalawigan itinaas na ng PAGASA ang orange warning doon as of alas 8:00 ng gabi.
Ayon sa PAGASA sa ilalim ng orange warning level kailangang maging handa na ang mga residente dahil nagbabadya ang pagbaha sa mabababang lugar.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila,, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Alas 11:00 ng gabi muling maglalabas ng abiso ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.