Sundalo patay, isa pa sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

Patay ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa nang sila ay pagbabarilin sa Cotabato City.

Kapwa sakay ng motorsiklo sina Privates First Class (Pfc.) Nerwin Delfin at Michael Haudar ng 37th Infantry Battalion ng Philippine Army nang sila ay barilin ng isang lalaking sakay ding ng motorsiklo, Biyernes, Dec. 28 ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Rolly Octavio naganap ang pamamaril sa Sinsuat Avenue na 600 metro ang layo mula sa Cotabato City Police Station.

Agad isinugod ang dalawa sa ospital pero idineklarang dead on arrival si Delfin.

Si Haudar naman ay inilipat sa Davao City para magamot sa mas malaking ospital.

Nakasibilyan ang dalawang sundalo nang sila ay tambangan dahil hindi sila naka-duty.

Inaalam pa kung sino ang mga suspek sa pananambang.

Read more...