Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Northern Samar at Sorsogon
Nakararanas ng malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan ang Northern Samar at Sorsogon na epekto ng bagyong Usman.
Sa heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA alas 5:00 ng hapon, itinaas ang red warning level sa dalawang lalawigan.
Ayon sa PAGASA, binabaha na ang ilang lugar sa dalawang lalawigan at tataas pa ang tubig baha dahil sa patuloy na pag-ulan.
Ang mga naninirahan naman sa landslide prone areas pinag-iingat sa posibleng pagguho ng lupa.
Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes at Masbate.
Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.