Mag-amang Garin isinuko na sa pulisya ang 14 nilang mga armas

PHOTO: Guimbal Municipal Police Station

Isinuko na ng mag-amang Garin ang kanilang mga armas sa pulisya.

Aabot sa 14 na matataas na kalibre ng baril ang isinuko ng mag-ama isang araw matapos bawiin ng Philippine National Police ang kanilang permits to carry fireamrs.

Ayon sa Guimbal Municipal Police station, si Guimbal Mayor Oscar Garin ay nagsuko ng isang 12-gauge shotgun at apat na caliber .45 postols.

Habang ang anak nitong si Iloilo Rep. Richard Garin ay nagsuko ng kaniyang 9 na riffles at pistols.

Kay Iloilo Vice Governor Christine Garin muna isinuko ang mga armas bago nai-turnover sa pulisya.

Sa rekord ng PNP, ang mag-amang garin ay mayroong 19 na armas na nakarehistro sa kanilang pangalan, 8 dito ay expired na ang lisensya.

Read more...