Ang Fourth Quarter 2018 Social Weather Report survey ay non-commissioned at ginawa noong December 16-19, 2018 at may 1,440 adult respondents sa buong bansa.
Sa naturang survey, lumabas na 74% ng adult Filipinos ang “satisfied” sa performance ng presidente. Mas mataas ito ng apat na puntos, kumpara sa 70% na naitala noong Setyembre.
Lumabas din sa survey na 11% ang “undecided” habang 14% ang “dissatisfied.”
Dahil dito, ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte ay nasa +60 na “very good”, at mas mataas kumpara sa +54 na net satisfaction rating na nairekord naman noong Setyembre.
Sinabi ng SWS na pagtaas sa net satisfaction rating ng punong ehekutibo ay bunsod ng 22-points increase sa Metro Manila; 13 points sa Visayas at 3 points sa Balance Luzon, at isinama ang 4-point decline sa Mindanao.
Gayunman, sinabi ng SWS na sa kabuuan, mayroong 5-point drop sa 2018 annual average net satisfaction score ni Presidente Duterte na +54 mula sa average net na +59 na naitala noong 2017, na “very good” pa rin naman