Satisfaction rating ni Duterte, “very good” sa 4th quarter ng 2018 – SWS

By Isa Umali December 28, 2018 - 06:20 PM

Nananatiling “very good” ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa latest survey ng Social Weather Stations o SWS.

Ang Fourth Quarter 2018 Social Weather Report survey ay non-commissioned at ginawa noong December 16-19, 2018 at may 1,440 adult respondents sa buong bansa.

Sa naturang survey, lumabas na 74% ng adult Filipinos ang “satisfied” sa performance ng presidente. Mas mataas ito ng apat na puntos, kumpara sa 70% na naitala noong Setyembre.

Lumabas din sa survey na 11% ang “undecided” habang 14% ang “dissatisfied.”

Dahil dito, ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte ay nasa +60 na “very good”, at mas mataas kumpara sa +54 na net satisfaction rating na nairekord naman noong Setyembre.

Sinabi ng SWS na pagtaas sa net satisfaction rating ng punong ehekutibo ay bunsod ng 22-points increase sa Metro Manila; 13 points sa Visayas at 3 points sa Balance Luzon, at isinama ang 4-point decline sa Mindanao.

Gayunman, sinabi ng SWS na sa kabuuan, mayroong 5-point drop sa 2018 annual average net satisfaction score ni Presidente Duterte na +54 mula sa average net na +59 na naitala noong 2017, na “very good” pa rin naman

TAGS: Rodrigo Duterte, satisfaction rating, sws survey, Rodrigo Duterte, satisfaction rating, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.