House Speaker GMA, inabswelto sa kasong electoral sabotage
Inabswelto na ng Pasay Regional Trial Court branch 112 si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage.
Ang kaso ay isinampa laban kay Arroyo kaugnay sa umano’y pandaraya sa 2007 midterm election.
Sa desisyon ni Judge Jesus Mupas na inilabas noong December 17, 2018, pinaburan nito ang Demurrer of Evidence na inihain ni Arroyo.
Ito’y dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang “guilt” ni Arroyo sa kabila ng sapat na panahon na ibinigay sa kanila ng korte.
Hindi rin daw napatunayan ang conspiracy, sa panig ni Arroyo kaugnay sa electoral sabotage case, bukod pa sa mahina ang mga ebidensya para idiin ang dating presidente.
Bunsod naman ng pag-abswelto ng Pasay RTC kay Arroyo, ang inilagak na bond nito na aabot sa P1 million para sa kanyang pansamantalang kalayaan ay ini-utos na ibalik na.
Matatandaan na na-hospital arrest pa noon si Arroyo sa Veteran’s Memorial Medical Center o VMMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.