Sandiganbayan, ipinakukulong na si Janet Napoles sa Correctional

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 05:09 PM

File Photo
Ibinasura ng Sandiganbayan 1st division ang mosyon ni Janet Lim Napoles na manatili sa kanyang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

At dahil sinopla ng korte ang mosyon, si Napoles ay may bago nang kulungan sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa commitment order na pirmado ni Associate Justice Edgardo Caldona ng 1st division, pinalilipat na si Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Nauna nang nagpasya ang anti-graft court na ilipat si Napoles sa Correctional Institution for Women, matapos ang guilty verdict sa kanya sa kasong plunder kaugnay sa Pork Barrel scam.

Sa mosyon ni Napoles, kapag inilipat daw siya sa naturang bilangguan, “at risk” daw ang kanyang buhay at kaligtasan.

Bukod dito, nais niyang sa Camp Bagong Diwa na muna makulong, habang dinidinig ng korte ang kanyang apela ukol sa plunder conviction.

TAGS: correctional institution for women, Janet napoles, Radyo Inquirer, sandiganbayan, correctional institution for women, Janet napoles, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.