Pormal nilagdaan ang kasunduan sa plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ang seremonya ay ginanap sa Commission on Elections (Comelec) araw ng Biyernes, Dec. 28 kung sasan lumagda sa memorandum of agreement sina Comelec Commissioner Al Pareno, Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at Armed Forces of the Philippines Lt. Gen Benjamin Madrigal.
Sa ilalim ng MOA nakasaad na gagawin ang unang araw ng plebisito sa January 21, 2019 para sa mga lalawigan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan, at Cotabato City.
Habang sa February 6, 2019 naman gagawin ang plebisito para sa Lanao del Norte, maliban sa Iligan City; Kasama rin sa plebesito ang munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa lalawigan ng North Cotabato.
Kabuuang 2.8 million na mga botante ang inaashang makikiisa sa idaraos na plebisito para sa BOL.
Kapwa naman tiniyak ng AFP at PNP na magpapatupad sila ng mahigpit na seguridad sa kasagsagan ng plebisito.