Ayon sa 2PM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay nasa layong 250 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar na parehong lokasyon nito sa 11AM weather bulletin.
Napanatili naman ng bagyo ang taglay nitong lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kph.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:
Northern Palawan
Calamian at Cuyo Groups of Islands
southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate
Ticao at Burias Islands
southern Occidental Mindoro
southern Oriental Mindoro
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu
Camotes Islands
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental.
Dinagat Islands
Inaasahan pa ring magla-landfall ang bagyo sa Eastern Samar mamayang gabi.
Habang sa Linggo o Lunes ito lalabas ng bansa.