Dating First Lady Michelle Obama, bagong “most admired woman” ng U.S.

By Isa Avendaño-Umali December 28, 2018 - 03:59 PM

Si dating U.S. First Lady Michelle Obama ang bagong “America’s most admired woman,” batay sa pinakahuling Gallup annual survey.

Tinuldukan ni Ginang Obama ang 17-year run bilang most admired woman sa Estados Unidos ni 2016 Democratic presidential nominee at dating US senator at secretary of state Hillary Clinton, na pumangatlo sa annual Gallup poll.

Pangalawa naman sa ranking ang talk-show host na si Oprah Winfrey, habang nasa 10th spot si Queen Elizabeth.

Ang mister naman ni Ginang Obama na si dating U.S. President Barack Obama ang “most admired man” sa ika-labing isang taon.

Ang kasalukuyang presidente ng Amerika na si Donald Trump ay nanatiling nasa ikalawang pwesto, sa loob ng apat na taon.

Ang latest Gallup annual survey ay ginawa mula December 3 hanggang 12 ng taong kasalukuyan.

Ang mga Amerikano ay hinimok na pangalanan ang “man and woman” sa buong mundo na kanilang hinahangaan.

TAGS: “most admired woman” ng U.S., 10th spot si Queen Elizabeth., bagong, Dating First Lady Michelle Obama, dating U.S. President Barack Obama, Oprah Winfrey, “most admired woman” ng U.S., 10th spot si Queen Elizabeth., bagong, Dating First Lady Michelle Obama, dating U.S. President Barack Obama, Oprah Winfrey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.