Janet Napoles, naghain ng MR kaugnay sa guilty verdict sa kanya ng Sandiganbayan
Naghain na ng motion for reconsideration si Janet Lim Napoles kaugnay sa naging hatol na “guilty” ng Sandiganbayan 1st division ukol sa kanyang plunder case kaugnay sa Pork Barrel scam.
Sa kanyang apela sa anti-graft court, ginamit na rason ni Napoles ang acquittal ng korte kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa naturang kaso.
Punto ni Napoles, walang “main plunderer” sa P224 million plunder case, bukod pa sa wala naman daw “conspiracy” na napatunayan kaya lahat dapat umano ng co-conspirators ay mapalaya na, gaya ni Revilla.
Dagdag ni Napoles, hindi siya dapat ikunsiderang main plunderer dahil isa siyang pribadong indibidwal.
Nakasaad pa sa MR ang ilang bahagi ng dissenting opinion nina 1st Division Chairperson Efren De la Cruz at Associate Justice Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta, na kapwa nagsabi na si Revilla ang “main plunderer” o “main accused.”
Bukod kay Napoles, guilty rin ang hatol ng Sandiganbayan 1st division kay Atty. Richard Cambe, ang dating chief-of-staff ni Revilla.
Ani Napoles, bigo rin daw ang korte na patunayan na si Cambe ay nagkamal ng P50 million at kung nakatanggap ba talaga si Revilla ng kickbacks mula sa kanyang PDAF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.