Bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo aabot sa halos P2/L

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 03:31 PM

Posibleng umabot sa halos P2 kada litro ang mababawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng kumpanyang Jetti Petroleum, maaring nasa pagitan ng P1.90 hanggang P1.95 ang mababawas sa kada litro ng diesel.

Habang maglalaro naman sa P1.50 hanggang P1.55 per liter ang mababawas sa presyo ng gasolina.

Ngayong araw inaasahang malalaman ang eksaktong halaga ng magiging rollback ng mga kumpanya ng langis depende sa magiging resulta ng trading.

TAGS: oil price, Radyo Inquirer, oil price, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.