BI naghihigpit sa pag-iisyu ng special working permits sa mga dayuhang manggagawa

By Ricky Brozas December 28, 2018 - 02:39 PM

Naghihigpit na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbibigay ng special working permits sa mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagkakadakip sa mga Chinese national na iligal na nagta-trabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mas paiigtingin pa ng BI ang kanilang intelligence gathering hinggil sa presensya ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Sinabi din ni Guevarra na mahigpit sa pag-iisyu ng ang special working permit ang BI at ang binibigyan lamang nito ay ang mga magtatrabaho sa Pilipinas sa loob lamang ng kulang-kulang anim na buwan.

Ginawa ni Guevarra ang pahayag matapos sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat nang alisin sa BI ang pag-iisyu ng work permits sa mga dayuhan.

TAGS: BI, chinese workers, DOJ, Radyo Inquirer, special working permits, BI, chinese workers, DOJ, Radyo Inquirer, special working permits

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.