Mag-amang Garin maaring maharap sa mas marami pang kaso – PNP

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 02:19 PM

Maari pang madagdagan ang kaso ng mag-amang sina Guimbal town Mayor Oscar Garin at Iloilo 1st District Rep. Richard Garin na nambugbog ng isang pulis.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde ito ay matapos matuklasan na may iba pang retiradong pulis na dati ring nakaranas ng pang-aabuso mula sa mag-ama.

Ani Albayalde sinabi sa kaniya ni Chief Supt. John Bulalacao, direktor ng Western Visayas police na may mga nagsalitang retiradong pulis matapos malantad ang ginawa ng mga Garin kay PO3 Federico Macaya Jr.

Maliban sa mga dating pulis, may mga sibilyan din umanong nakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula sa mga Garin.

Gayunman, natakot ang mga itong magsalita at magkaso.

Ani Albayalde kung magpapasya ang mga retirado o dati nang pulis na magsampa ng kaso ay susuportahan sila ng liderato ng PNP.

Hindi aniya papayag ang PNP na inaabuso ang mga pulis lalo na kung unipormado at ang tanging ginagawa ay gampanan ang kaniyang tungkulin.

TAGS: garin, Iloilo, oscar garin, PNP, richard garin, garin, Iloilo, oscar garin, PNP, richard garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.