Isang preso na nawala matapos ang sunog sa Antipolo City jail, sumuko na
Sumuko na ang isang presong nakatakas matapos ang sunog na naganap sa Antipolo City jail.
Sa pahayag ng Antipolo City Government, kusang nagtungo sa pulisya ang tumakas na preso at isinuko ang sarili.
Dahil dito, all accounted na umano ang mga preso at lahat ay naibalik na sa selda.
Pinawi na rin ang pangamba ng mga residente sa Antipolo at mga kalapit na bayan.
Sinabi rin ng lokal na pamahalaan na ang selda numbers 8, 9 at 10 ang naapektuhan ng sunog.
Ang mga preso sa nasabing mga selda ay pansamantala munang inilipat sa ibang jail facilities base sa utos ni Antipolo Mayor Jun Ynares.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.