Radio announcer patay sa pamamaril sa Negros Oriental

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 01:45 PM

Patay ang isang radio announcer matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa Negros Oriental.

Sa insiyal na imbestigasyon, pauwi ang biktimang si Gabriel Alburo sakay ng kaniyang motorsiklo nang siya ay pagbabarilin sa bayan ng La Libertad alas 3:00 ng madaling araw ng Biyernes, Dec. 28.

Sinabi ni Sr. Supt. Raul Tacaca, provincial director ng Negros Oriental, dead on the spot si Alburo habang agad tumakas ang mga suspek.

Sampung basyo ng bala ng baril ng kalibre 45 ang natagpuan sa crime scene.

Maliban sa posibleng may kinalaman sa kaniyang trabaho bilang radio announcer ay titigtnan din ang iba pang posibleng motibo sa pagpatay.

Mayroon din umano kasing nakaaway si Alburo sa sabungan.

TAGS: ambush, Negros Oriental, radio anchor, Radyo Inquirer, ambush, Negros Oriental, radio anchor, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.