Naitalang firecracker related injuries umakyat na sa 40

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 01:30 PM

File Photo

Umabot na sa 40 ang naitalang firecracker related injuries ng Department of Health (DOH).

Sa dato sng DOH, walo ang panibagong nadagdag na mga kaso na mula sa Region 2, 3, 4-A, 7, 8, Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) at National Capital Region (NCR).

Mas mababa pa rin naman ang nasabing bilang ng 49 percent kung ikukumpara sa sa naitalang kaso noong kaparehong petsa ng nakaraang taon.

Habang mas mababa din ito ng 74 percent kumpara sa five-year average ng mga nabiktima ng paputok.

Nangunguna pa rin sa mga sanhi ng pagkasaguat ang boga, kwitis, triangle, picolo, baby rocket at luces.

Dalawampu’t tatlo sa mga naitalang kaso ay nasabugan, apat naman ang kinailangang putulan ng bahagi ng katawan, at 13 ang nagtamo ng pinsala sa mata.

Samantala, kaugnay naman sa anim na taong gulang na batang lalaki mula sa Tondo, Maynila na nakakulon ng pulbura ng paputok at na-confine sa Philippine General Hospital, nabatid na pinauwi na ang biktima ng UP-National Poison Management and Control Center.

TAGS: department of health, firecracker related injuries, Radyo Inquirer, department of health, firecracker related injuries, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.