Nakapagtala ng apat na volcanic quakes sa Mayon Volcano sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, dalawa sa naturang pagyanig ay may kinalaman sa naitalang dalawang beses na pagbubuga ng abo ng bulkan kahapon ng umaga.
Nabatid na umabot sa 600 meters ang taas ng ibinugang abo ng bulkan alas 8:17 ng umaga kahapon at 200 meters naman alas 8:25 ng umaga.
Nananatiling nakataas ang alert level 2 sa bulkan na ibig sabihin ay nasa moderate level of unrest ang Mt. Mayon.
READ NEXT
Mga nagpapakalat ng pekeng balita na maraming nakatakas na preso sa sunog sa Antipolo jail, kakasuhan
MOST READ
LATEST STORIES