Mga nagpapakalat ng pekeng balita na maraming nakatakas na preso sa sunog sa Antipolo jail, kakasuhan

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 11:40 AM

Nagbabala ang Antipolo City police office na magsasampa sila ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita na maraming preso ang nakatakas ng magkaroon ng sunog sa Antipolo City jail.

Marami kasi ang nagbahagi sa Facebook at nagpapaalala sa publiko na maging maingat dahil sa umano ay maraming nakatakas na preso nang masunugan ang bilangguan.

Pero nilinaw na ito ng Antipolo City government at sinabing maliban sa isang nawawala ay all accounted na ang 1,500 na mga preso.

Itinanggi rin ng Antipolo City police ang mga balitang marami ang nasawi at nasaktan sa sunog.

Ayon sa pahayag ng pulisya, maliban sa isang 84 anyos na preso na nasawi at sa nasa 20 dinala sa ospital para malapatan ng paunang lunas ay ligtas na ang lahat ng preso.

Kasabay nito, nakiusap ang Antipolo police sa publiko na iwasan ang pagkakalat ng hindi beripikadong balita.

Nagbabala din itong magsasama ng reklamo sa mga nagpapakalat ng pekeng balita.

TAGS: Antipolo City, fire incident, jail, Antipolo City, fire incident, jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.