Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 230 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 10 kilometers bawat oras.
Nakataas ang signal number 1 sa sumusunod na lugar:
Northern Palawan
Calamian group of Islands
Camarines Norte
Southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate
Ticao Islands
Burias Islands
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro
Cuyo
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu
Camotes Islands
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental
Dinagat Islands
Ayon sa PAGASA, nagpapaulan ng malakas ang bagyo sa Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, at Quezon ngayong araw.
Habang bukas katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa CALABARZON, Aurora, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at Central Visayas.
Ang bagyong Usman ay lalabas ng bansa sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.