Ateneo Junior HS mas pinahaba ang bakasyon para makapaglatag ng patakaran laban sa bullying

Pinalawig ng Ateneo Junior High School ang bakasyon para makapagpalabas ng bagong patakaran laban sa bullying.

Sa halip na January 3, itinakda ang pagbubukas ng klase sa nasabing paaralan sa January 7, 2019.

Sa kanyang memorandum, sinabi ng School Principal na si Ginoong Jose Antonio Salvador na nais nilang magkaroon ng sapat na panahon para magpatupad ng hakbangin upang labanan ang anumang bullying sa kanilang kampus.

Aminado si Salvador na masakit para sa kanila ang nangyari at nananalangin sila na ang pagkakataong ito ay maging leksyon sa lahat para magkaroon ng pagbabago.

Nauna dito, sinabi ni Ateneo de Manila University president Jose Ramon Villarin na bumuo na sila ng task force para magkaroon ng pag-aaral at magpatupad ng mga kinakailangang hakbang sa mas ligtas at pagkakaroon ng bully-free environment sa eskwelahan.

Read more...