Ama na nagbitin ng patiwarik sa 4-anyos na anak kinasuhan na

By Jimmy Tamayo December 28, 2018 - 10:36 AM

Ipinagharap na ng kasong child abuse ang ama na nagbitin ng patiwarik sa kanyang apat na taong gulang na anak sa Sta. Rosa Laguna.

Kinumpirma ito sa isang panayam kay Superintendent Eugene Orate, ang hepe ng Sta. Rosa City Police.

Bukod sa pagbitin sa bata, sinabi ni Orate na natuklasan nila na ikinukulong din ng suspek na si Melvin Batitis ang bata sa cabinet.

Base na rin aniya ito sa kwento mismo ng bata na nagsabing ikinukulong siya ng papa niya sa loob ng aparador.

Ang bata ay nanatili ngayon sa kustodiya ng DSWD at inaalam pa kung kakasuhan din ang ina nito dahil sa pag-abandona sa kanyang anak.

Samantala, negatibo naman sa drug test si Batitis pero inamin nitong naka-inom ng alak noong ibitin niya ang anak.

TAGS: Sta. Rosa Laguna, Sta. Rosa Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.