Pari arestado sa Cebu matapos manakit ng menor de edad

Arestado ang isang 61 anyos na pari makaraang manakit ng kinse anyos na anak ng tagaluto sa kumbento.

Ayon kay PO1 Jinelyn Formentera, Women’s Desk in-charge sa Canduman Police Station, isang concerned citizen ang nagreport sa kanila ng pananakit ng pari na si Rev. Fr. Decoroso Olmilla sa bata.

Si Olmilla ay parish priest ng The Nativity of Mary Parish sa Brgy. Canduman sa Mandalue City.

Sinasabing sinaktan umano ni Olmilla ang 15-anyos na biktima matapos na mabigo itong pakainin ang alagang Labrador ng pari.

Umalis umano ang biktima para mag-ikot sa lugar at mamasko pero nagalit ang pari nang hindi ito makita at nang malamang hindi pa kumakain ang alagang aso.

Nang dumating sa kumbento ang bata ay pinagalitan ito ng pari, hinampas ng kahon at saka sinipa.

Nabatid na sa kumbento na naninirahan ang bata at 44 anyos na ina.

Read more...