Tribute concert para kay “Queen of Soul Aretha Franklin” gagawin sa L.A.
Magkakaroon ng tribute concert para sa 18-time Grammy winner at “Queen of Soul” na si Aretha Franklin sa Enero.
Ang filmmaker na si Tyler Perry ang magho-host ng live concert na gaganapin sa Jan. 13, 2019 sa Shrine Auditorium sa Los Angeles.
Ilan sa mga magpe-perform at kakanta ng mga awitin ng Queen of Soulay ang mga Grammy winners na sina Celine Dion, Kelly Clarkson, Jennifer Hudson at John Legend.
Magpeperform rin sina Alicia Keys, Yolanda Adams, Patti LaBelle, Shirley Caesar, Alessia Cara, Common, at BeBe Winans kasama ang mga kasalukuyang Grammy nominees na sina Brandi Carlile, Chloe X Halle, H.E.R., Janelle Monáe, at SZA.
Ang concert ay joint venture ng Recording Academy, long-time record producer ni Aretha Franklin na si Clive Davis, concert promoter AEG, at CBS television.
Iaanunsyo naman kung kailan ipapalabas sa CBS television ang concert.
Mabibili ang tickets para sa concert simula Dec 31.
Si Franklin ay pumanaw noong August dahil sa pancreatic cancer sa edad na 76.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.