LOOK: Pasig police nagsagawa ng “Iwas Paputok Motorcade”
Idinaan sa motorcade ng Pasig City police ang pagpapaalala sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Isinagawa ng Pasig police ang “Iwas Paputok Motorcade” sa lungsod bilang bahagi ng kanilang “Ligtas Paskuhan 2018”.
Sakay ng mga motorsiklo, nag-ikot sa lungsod ang mga otoridad para ipaalala sa mga residente na iwasan ang gumamit ng paputok upang maging ligtas ang kanilang pagsalubong sa 2019.
Namigay din ng flyers ang mga pulis lalo na sa mga matataong lugar kung saan nakasulat ang kampanya para sa ligtas na selebrasyon ng New Year.
Kahapon, Dec. 27 nagsagawa na ng Inter-agency Coordinating Conference ang Pasig City police para paghandaan ang ipatutupad na seguridad sa pagsalubong Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.