LOOK: PNP chief Albayalde nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue

Radyo Inquirer Photo | Richard Garcia

Nagsagawa ng inspeksyon si Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay para matiyak na walang ipinagbabawal na paputok na ibinebenta sa naturang lugar ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang mga mapapatunayang lumalabag ay maaring mapatawan ng multa na aabot sa P20,000 hanggang P30,000 o makulong ng anim na buwan hanggang isang taon.

Kabilang sa mga paputok na bawal ibenta at gamitin ay ang mga sumusunod:

piccolo
watusi
giant whistle bomb
giant bawang
large judas belt
super lolo o thunder lolo
atomic bomb
atomic big triangulo
pillbox
boga
kwiton
Goodbye Earth
Goodbye Bading
Hello Columbia
Coke-in-Can
kabasi
og

Gayundin ang iba pang unlabeled at imported firecrackers.

Read more...