Mula Jan. 1, 2019 gamot sa diabetes, high-cholesterol, at hypertension hindi na papatawan ng VAT
By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 06:47 AM
Good News!
Simula sa January 1, 2019 hindi na papatawan ng value added tax ang mga gamot sa diabetes, high-cholesterol, at hypertension.
Ito ang inanunsyo ng Department of Finance bilang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon sa DOF, ang access sa healthcare at mas murang gamot ay isa sa mga probisyon sa ilalim ng TRAIN.
Dahil dito, simula sa Jan. 1 inaasahang bababa ang presyo ng gamot para sa diabetes, mataas na cholesterol, at hypertension.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.