Sa pahayag ng Antipolo City Government, all accounted na ang lahat ng mahigit 1,000 preso maliban na lang sa isang nawawala at pinaghahanap pa.
Kinumpirma din ng pamahalaang lungsod na 26 na mga preso ang dinala sa mga pagamutan at isa ang nasawi dahil sa sunog.
Dahil sa nasabing sunog kinailangang ilikas ang mga preso sa katabing covered court kung saan sila inasikaso ng social at health workers.
Nagsanib-pwersa naman ang mga tauhan ng Antipolo PNP at BJMP para sila ay bantayan.
Nang matiyak na ligtas na ang kulungan ay naibaik na rin ang 1,500 na mga preso sa Antipolo City Jail.
MOST READ
LATEST STORIES