Balitang maraming preso ang nakatakas sa sunog sa Antipolo City jail, fake news

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 06:32 AM

Hindi totoo ang mga kumakalat sa social media na maraming preso sa Antipolo Jail ang nakatakas matapos sumiklab ang sunog sa bilangguan.

Sa pahayag ng Antipolo City Government, all accounted na ang lahat ng mahigit 1,000 preso maliban na lang sa isang nawawala at pinaghahanap pa.

Kinumpirma din ng pamahalaang lungsod na 26 na mga preso ang dinala sa mga pagamutan at isa ang nasawi dahil sa sunog.

Dahil sa nasabing sunog kinailangang ilikas ang mga preso sa katabing covered court kung saan sila inasikaso ng social at health workers.

Nagsanib-pwersa naman ang mga tauhan ng Antipolo PNP at BJMP para sila ay bantayan.

Nang matiyak na ligtas na ang kulungan ay naibaik na rin ang 1,500 na mga preso sa Antipolo City Jail.

TAGS: Antipolo Jail, fire incident, Radyo Inquirer, Antipolo Jail, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.