Isyu sa agawan sa teritoryo, posibleng maisingit sa APEC

By Kathleen Betina Aenlle November 17, 2015 - 02:55 AM

 

Mula sa inquirer.net

Magiging sensitibo ang pagsisingit ng anumang usaping pang-seguridad sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gaganapin dito sa Pilipinas.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang China, na isa sa mga pangunahing miyembro ng APEC, na matalakay ang agawan ng teritoryo sa South China Sea sa nasabing pulong.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay bumisita dito si Chinese foreign minister Wang Yi para hilingin na huwag nang talakayin pa sa APEC ang anumang diskusyong maaaring pagmulan ng argumento, tulad na lamang nga ng agawan sa teritoryo.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Sec. Charles Jose, hiniling ni Wang Yi na sana ay panatilihin na lamang ang “political dignity” ni Chinese President Xi Jinping sa bansa para sa APEC.

Malaki kasi ang posibilidad na mangyari ito lalo pa’t dadalo rin si US President Barack Obama.

Samantala, inaasahan namang mapag-uusapan nina Obama at Pangulong Aquino ang nasabing isyu sa sidelines ng APEC.

Ayon din sa mga sources, maaring magpulong din sina Pangulong Aquino at Japanese Prime Minister Shinzo Abe para naman magkasundo na sa pagbibigay ng Tokyo ng mga military equipment na maaaring gamitin ng Pilipinas sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Nakatakda ring magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam hinggil sa pagsasanib pwersa ng kani-kanilang mga navies na tiyak ika-pipikon ng China.

TAGS: apec, Japan, US, apec, Japan, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.