Jollibee inatasan ng DOLE na mag-regular pa ng mas maraming manggagawa

By Rhommel Balasbas December 28, 2018 - 02:32 AM

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Jollibee Foods Corporation (JFC) na palawigin pa ang kanilang regularization program.

Sa isang press briefing sinabi ng kalihim na hindi siya bilib sa alok ng Jollibee na 3,000 manggagawa kada taon ang kanilang isasailalim sa regularization.

Ani Bello, inatasan niya ang kumpanya na tapatan ang inisyatibo ng SM Malls na i-regular ang 10,000 empleyado kada taon.

Nanguna ang Jollibee sa listahan ng DOLE ng mga kumpanya na may talamak na labor-only contracting.

Ayon sa listahan ang JFC ay mayroong pinakamaraming contractual employees sa 14,960 workers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.